178

Akong Napalayo sa Diyos

0:000:00
100%

I

Akong napalayo sa Diyos Ay nagbabalik;
Sa sama'y tumatalikod, At nagbabalik.

Koro

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!

II

Akong sa sala'y nagtagal, Mahal kong Ama,
Ngayo'y nagsisising tunay, Nagbabalik na.

Koro

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!

III

Nililisan ko na ngayon Ang aking sala,
At sa Iyo, Panginoo'y Nagbabalik na.

Koro

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!

IV

Ang kamatayan ni Cristo'y S'ya kong pag-asa,
At ngayon sa kandili Mo'y Nagbabalik na.

Koro

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!

V

Sa dugo Niyang natigis Dadalhin ko na
Ang kasalanan ko't dungis, At babalik na.

Koro

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!