I
Ako'y sa Iyo, Pangino'ng mahal,
Tinig Mo'y napakinggan,
Ito sa akin ay nagsalaysay
Ng Pag-ibig Mong tunay.
Koro
Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.
II
Ngayo'y italaga sa gawain
Akong abang alipin;
Sa pag-asa ako'y patibayin.
At loob ko'y supilin.
Koro
Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.
III
Ang bawa't oras sa 'Yong harapan
Lugod ang kinakamtan,
Pag Ikaw ay dinalanginan
Na bilang kaibigan!
Koro
Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.