I
Lalapit ako sa krus,
Mahina ma't balakyot.
Aariin kong lapok,
Lahat, liban kay Jesus.
Koro
Ako'y nagtitiwala,
Sa Korderong dakila.
At nagpapakumbaba,
Sa kay Jesus kong mutya.
II
Laon nang naghihirap,
Dahil sa salang kagyat.
Jesus ko ay mahabag,
Lahat ay ipatawad.
Koro
Ako'y nagtitiwala,
Sa Korderong dakila.
At nagpapakumbaba,
Sa kay Jesus kong mutya.
III
Ibibigay kong lahat,
Ang katawan ko't pilak.
Pati kalul'wang ingat,
Ihahandog kong wagas.
Koro
Ako'y nagtitiwala,
Sa Korderong dakila.
At nagpapakumbaba,
Sa kay Jesus kong mutya.
IV
Ang dugo Mong nabuhos,
Sa akin ay tumubos;
Ngayon, akong alabok,
Lumalapit na sa krus.
Koro
Ako'y nagtitiwala,
Sa Korderong dakila.
At nagpapakumbaba,
Sa kay Jesus kong mutya.