2

O Sambahin ang Pangalan

0:000:00
100%

I

O sambahin ang pangalan ng Panginoon,
Sa kagandahan ng kabanalan;
Kayo'y magsiluhod sa Kanyang yamungmong,
Siya ang Diyos ng kal'walhatian.

II

Lahat ninyong hirap at mga hilahil,
Sa paanan Niya ay ilagay;
Kayo'y buong puso na ang dukhain,
Papatnubayan ang inyong hakbang.

III

Huwag matakot na sa Kanya ay ilapit,
Ang inyong mga pahatnahain;
Buong kagandahan ng inyong pag-ibig,
Ang sa Kanya'y siya ninyong dalhin.

IV

Mga handog natin imbi at aba man,
Buong lugod Niyang tatanggapin;
Mga lungkot natin at kapighatian,
Ay hahalinhan ng tuwa't aliw.