I
Ang Panginoon sa Siyon
Ay naghahari na;
Buong lupa ay magsaya't
Lumapit sa Kanya;
At do'y aalingawngaw
Kapurihan Niya,
Sa Kanya ang mga hari
L'walhati ang dala.
II
Ang Panginoon sa Siyon
Naghaharing ganap,
Lalim ng lupa at dagat
Siya ang may hawak;
Ngalan N'ya'y parangalan,
Bandila'y itaas,
Hanggang malalayong pulo
Sa Kanya'y maligtas.
III
Ang Panginoon sa Siyon
Ay naghahari ngayon;
Pasukin ang Kanyang templo't
Galak na magtipon;
Sa lalim ng bandila N'ya,
Lahat ay paampon,
Sa Hari ng lupa't langit,
Igawad ang putong.