214

Jesus, Nangako Ako

0:000:00
100%

I

Jesus, nangako akong maglingkod sa Iyo
At ang tanging hiling ko ako'y tulungan Mo;
Dumating kahit anong sari-saring tukso.
Ako'y di maaano ako'y mananalo!

II

Kasamaa'y malimit sa 'ki'y lumalapit,
Ako ay kinakabig, Dinadayang pilit,
Ako'y walang panganib anumang sumapit,
Sa tulong ng 'Yong bisig ako'y mananaig!

III

Jesus, may pangako Kang sa ami'y sasama,
Kami'y di nag-iisa hin di nangangamba;
Kaya nga't nananatang hanggang may hininga.
Kami ay tatalaga sa lahat Mong pita.