216

Kami'y Lumalapit

0:000:00
100%

I

Kami'y lumalapit, Oh Diyos ng pag-ibig.
Awa Mo'y ilawit, ipakamit;
Ikaw ang timbulan na inaasahan.
Walang tatawagan kundi Ikaw.

Koro

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw.
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

II

Lupa'y may kadimlan, Kaaway naghalang;
Ikaw ang takbuhan at kublihan;
Iligtas Mo kami sa tuksong marami;
Kahit aba't imbi h'wag iwaksi.

Koro

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw.
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

III

Banal na biyaya'y Ipakamit nawa;
At ang laging nasang pagpapala;
Kami'y pangunahan habang nabubuhay.
At sa bayang banal ay idatal.

Koro

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw.
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.