224

Sa Pamamagitan ng Dugo ng Kordero

0:000:00
100%

I

Sa pamamagitan ng dugo
Ng Kordero ay natubos!
Sa walang hanggan Niyang awa,
Ako ay anak na ng Diyos.

Koro

Natubos na,
Ako ng dugo ni Jesus;
Natubos na't Ako ay anak na ng Diyos.

II

Labis ang galak ko kay Jesus
Sa ginawa N'yang pagtubos!
Alam kong ako'y sasamahan
At tatahan N'yang lubos.

Koro

Natubos na,
Ako ng dugo ni Jesus;
Natubos na't Ako ay anak na ng Diyos.

III

Talos kong aking mamamasdan
Ang Haring ang kautusan
Ay aking kinaluluguran;
Ako'y Kanyang iingatan.

Koro

Natubos na,
Ako ng dugo ni Jesus;
Natubos na't Ako ay anak na ng Diyos.