I
Dinggin mo ang pahayag, Cristo'y nagliligtas;
Ang tuwa'y ilaganap, Cristo'y nagliligtas,
Ibalita sa lahat kahit magtawid dagat,
Ito'y sa atin atas, Cristo'y nagliligtas!
II
Sa gitna ng bagabag Cristo'y nagliligtas;
Sa nagkasala'y hayag Cristo'y nagliligtas;
Mag-awit kapuluan, tumugon karagatan,
Sa mundo'y kagalakan, Cristo'y nagliligtas!
III
Awitin nang malakas, Cristo'y nagliligtas;
Sa kamatayang hamak Cristo'y nagliligtas.
Saysayin nang marahan sa pusong nagdaramdam
Kahit hanggang libingan Cristo'y nagliligtas!
IV
Dagli nang ilaganap, Cristo'y nagliligtas;
Mga bansa'y magalak Cristo'y nagliligtas.
Ating ipagsigawan tinamong kaligtasan
Awiting may tagumpay, Cristo'y nagliligtas!