232

Sa Kabila ng mga Kabundukan

0:000:00
100%

I

Sa kabila ng mga kabundukan,
Naro'n ang ginawa ng Diyos na bayan;
Pag ang tuktok ng bundok natapakan,
Walang-hanggang bayan ay matatanaw.

Koro

Nalalapit na sa 'ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa 'ting tahanan!)
Masda't mga bubong nagkikinangan!
Sa "pintong bukas" may kal'walhatian!
Papasok tayo ro'n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa 'ting tahanan. (O sa ating tahanan!)

II

Sa ti'y maluwat nang isinalaysay.
Ang bayang mga daa'y gintong lantay;
Ngayon sa hagap ito'y matatanaw;
Kuta'y haspe't magaganda ang bahay.

Koro

Nalalapit na sa 'ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa 'ting tahanan!)
Masda't mga bubong nagkikinangan!
Sa "pintong bukas" may kal'walhatian!
Papasok tayo ro'n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa 'ting tahanan. (O sa ating tahanan!)

III

Mga tumutupad ng utos ng Diyos
At pananampalataya ni Jesus,
Ang sa bayang yao'y nagsisipasok;
Tayo roo'y magpupuri ngang lubos.

Koro

Nalalapit na sa 'ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa 'ting tahanan!)
Masda't mga bubong nagkikinangan!
Sa "pintong bukas" may kal'walhatian!
Papasok tayo ro'n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa 'ting tahanan. (O sa ating tahanan!)

IV

Kapatid, ako ba'y 'yong tatagpuin.
Sa bayang yaong wala nang hilahil?
Pabalita ng Diyos iyong tanggapin,
Pagdating N'ya ikaw ay tatawagin.

Koro

Nalalapit na sa 'ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa 'ting tahanan!)
Masda't mga bubong nagkikinangan!
Sa "pintong bukas" may kal'walhatian!
Papasok tayo ro'n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa 'ting tahanan. (O sa ating tahanan!)