234

Ang Iglesia'y May Isang Kinasasaligan

0:000:00
100%

I

Ang iglesya'y may isang kinasasaligan,
Ito'y si Jesu-Cristong sa Kanya'y lumalang;
Naparito't ang dugo, buhay inialay,
Upang iglesya'y maging asawa N'yang banal.

II

Hirang sa bawa't bansa, isa sa b'ong lupa,
Batas N'yang kaligtasan ay iisang pawa,
Isa ang Panginoon, bautismo't tiwala,
Isa rin ang pagkain, pag-asa't biyaya.

III

Mga kaaway niya Kahit S'ya'y siilin,
Bato Niyang himlayan kahit na durugin,
Pananampalataya'y iniingatan din,
Pagka't gabing pagtangis pag-uumagahin.

IV

Sa gitna ng hirap at mga kalinggalan,
Iglesya'y naghihintay ng kapayapaan;
Hanggang sa paningin N'ya ay mal'walhatian,
At iglesya'y magkamit ng kapahingahan.