I
Lumulubog ang araw,
Katahimika'y taglay.
Sumamba at magnilay
Sa gabing dumarantay sa b'ong langit.
Koro
Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo.
Diyos na banal!
II
Panginoon ng buhay.
Nitong sandaigdigan.
Tipunin kaming tanan
At ibilang sa kawan Ikaw'y mahal.
Koro
Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo.
Diyos na banal!
III
Samantalang ang dilim
Ay lubhang sumisinsin.
Ang pusong masintahin
Sa lahat gumugiliw; Oh lingapin!
Koro
Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo.
Diyos na banal!
IV
Pag bituin at araw
Pati gabi ay nanaw.
Umagang walang hanggan.
Pangino'n, ipatanaw sa 'ming tanan.
Koro
Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo.
Diyos na banal!