22

Poong Jesus, Lubog na ang Araw

0:000:00
100%

I

Poong Jesus, lubog na ang araw,
At ang dilim nama'y kumakapal;
Liwanag Mo sa aki'y itanglaw,
At ako, Panginoo'y samahan.

II

Nagdaan na naman ang maghapon,
Lahat sa paglipas tuluy-tuloy,
Ang lahat ng bagay naluluoy—
Samahan Mo ako, Panginoon.

III

Huwag Mo akong dagling iiwanan,
Ang kandili Mo ay kailangan,
Akong aba'y Iyong pagtiisan,
At ako, Panginoo'y samahan.

IV

Mayroon pa bagang ibang bagay
Na makakasupil sa kaaway?
Wala na nga, kundi Ikaw lamang,
Kaya nga po, ako ay samahan.