244

Tinig Niya ay Pakinggan

0:000:00
100%

I

Tinig Niya ay pakinggan
Na sumisigaw sa ilang,
Hinahanap ang naligaw,
Tupang waglit sa tahanan.

Koro

Akayin, akayin,
Mga tupang naliligaw,
Akayin, akayin,
Sa kay Jesus na mahal.

II

Sino ngayon ang lalakad,
Sa naligaw ay hahanap?
Kumilos na't h'wag magluwat,
Tipunin ang natiwalag.

Koro

Akayin, akayin,
Mga tupang naliligaw,
Akayin, akayin,
Sa kay Jesus na mahal.

III

Sila ay nag-iiyakan
Sa parang at kabundukan.
Tinig ni Jesus, pakinggan:
"Hanapin sila saanman."

Koro

Akayin, akayin,
Mga tupang naliligaw,
Akayin, akayin,
Sa kay Jesus na mahal.