246

Magmadali, O Siyon

0:000:00
100%

I

Magmadali, O Siyon, na itanyag.
Sa daigdig na Diyos ay liwanag;
S'ya na sa mga bansa'y naglatag.
Di N'ya ibig isa'y mapahamak.

Koro

Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.

II

Ipahayag sa bayan, wika't bansa.
Na ang Diyos ay pag-ibig at tuwa;
Upang iligtas ang tao sa lupa,
S'ya'y namatay at nagpakababa.

Koro

Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.

III

Mga anak at salapi'y ihandog,
Nang madala sugong maalindog;
Sa dalangin kaluluwa'y ibuhos.
Nang sila'y magtagumpay sa lubos.

Koro

Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.

IV

Siyon, Siya ay muling paririto,
Kaya biyaya N'ya'y itanyag mo;
Huwag tulutang maligtaang totoo.
Ang sinumang tinubos ni Kristo.

Koro

Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.