I
Halina, umiibig
Galak sa Panginoon!
Sa awita'y makianib,
Sa awita'y makianib,
Sa trono'y magtipon,
Sa trono'y magtipon!
Koro
Hayo na sa Siyon,
Hayo na nga sa Siyon,
Sa napakagandang Siyon;
Doon tayo patungo ngayon.
Sa bayan ng Panginoon!
II
Bayaang h'wag umawit
Ang nagsitanggi sa Diyos!
Kawal ng Hari sa langit,
Kawal ng Hari sa langit.
Magpupuring lubos,
Magpupuring lubos!
Koro
Hayo na sa Siyon,
Hayo na nga sa Siyon,
Sa napakagandang Siyon;
Doon tayo patungo ngayon.
Sa bayan ng Panginoon!
III
Sa Siyon nga kakamtan
Tamis ng kabanalan;
Awita'y mapapakinggan,
Awita'y mapapakinggan,
Sa banal na bayan,
Sa banal na bayan!
Koro
Hayo na sa Siyon,
Hayo na nga sa Siyon,
Sa napakagandang Siyon;
Doon tayo patungo ngayon.
Sa bayan ng Panginoon!
IV
Ang luha'y mapaparam
Sa tamis ng awitan!
Sa lupang inilalaan,
Sa lupang inilalaan,
Ating tatahanan,
Ating tatahanan.
Koro
Hayo na sa Siyon,
Hayo na nga sa Siyon,
Sa napakagandang Siyon;
Doon tayo patungo ngayon.
Sa bayan ng Panginoon!