I
Sa bagong Jerusalem
Ay walang panimdim,
Liwanag ay maningning,
Doo'y walang dilim.
Koro
Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling.
Kasalo sa aliw.
II
Ang pinto'y pawang perlas.
Sa banal na s'yudad,
Ang daa'y gintong lahat.
Kaya't maliwanag.
Koro
Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling.
Kasalo sa aliw.
III
Doo'y wala nang araw.
Na makasisilaw,
Kordero'y Siyang ilaw,
Liwanag ay sakdal.
Koro
Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling.
Kasalo sa aliw.
IV
Ang pinto'y laging bukas,
Sa banal na s'yudad,
Tubig na sakdal sarap,
Doo'y malalasap.
Koro
Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling.
Kasalo sa aliw.