28

Ikaw Nawa'y Pakaakbayan

0:000:00
100%

I

Ikaw nawa'y pakaakbayan
Ng Diyos magpakailanman,
Hanggang sa Siya'y dumatal,
Makapisan ng Kanyang bayan.

Koro

Hanggang magkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang magkikita
Ay samahan ka nawa ng Diyos!

II

Ikaw nawa'y pakaingatan
Ng Diyos at bigyan din naman
Ng mana sa araw-araw,
Hanggang tayo'y muling magpisan.

Koro

Hanggang magkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang magkikita
Ay samahan ka nawa ng Diyos!

III

Ikaw nawa'y pakatulungan
Ng Diyos sa pakikilaban
Sa nagkalat na kaaway
Hanggang ikaw ay magtagumpay.

Koro

Hanggang magkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang magkikita
Ay samahan ka nawa ng Diyos!

IV

Ang pag-ibig nawa at sigla
Ay maingatan mo t'wina.
Upang papurihan Siya
Hanggang tayo'y muling magkita.

Koro

Hanggang magkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang magkikita
Ay samahan ka nawa ng Diyos!