30

O Diyos na Marangal

0:000:00
100%

I

O Diyos na marangal!
Kami ay tulungang mag-awitan;
Ngala'y papurihan sa kalwalhatian,
Kami'y pagharian Amang banal!

II

Ikaw na Verbong Diyos!
Kami'y pagpalain araw-araw.
Dalangi'y pakinggan upang magtagumpay.
Likas Mo'y mamalas sa 'ming buhay.

III

Espiritung Banal!
Kami ay kasihan ng patnubay;
Parating akbayan, puso'y pagharian.
At h'wag Mo pong iwan sa kaaway!

IV

O malwalhating Diyos!
Dito'y masusunod ang 'Yong utos;
Paghaharing lubos ay mapapanood.
Sa panahong puspos ng natubos.