I
Oh! masayang araw ngayon,
Pagpuri sa Panginoon;
Kagalaka'y isalubong
Sa lahat ng may linggatong.
Koro
Oh! masayang araw! sala ko ay nahugasan!
Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw.
Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!
II
Dakilang gawa'y ganap na,
Kanya ako't akin Siya;
Sa malugod N'yang anyaya,
Magalak na lumapit ka.
Koro
Oh! masayang araw! sala ko ay nahugasan!
Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw.
Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!
III
Hapong puso'y magpahinga,
Sa sala'y pakikibaka;
Sumanib ka sa ligaya,
Kay Jesus ay makisama.
Koro
Oh! masayang araw! sala ko ay nahugasan!
Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw.
Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!
IV
Panambitan na taimtim,
Araw-araw S'ya ang daing;
Idudulog ang hinaing,
Nang pagpapala ay kamtin.
Koro
Oh! masayang araw! sala ko ay nahugasan!
Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw.
Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!
V
Kung ang langit ay masapit,
At magwakas ang lakbayin,
Kasama ng Panginoon
Sa tahanang walang maliw.