304

Sa Puso Ko'y May Isang Himig

0:000:00
100%

I

Sa puso ko'y may isang himig
Na isang masayang awit
Aking dinadalit-dalit,
Kapayapaan ng langit.

Koro

Kapayapaan,
Na kaloob ng langit
Kapayapaang matamis,
Kaloob ng pag-ibig.

II

Kapayapaa'y nakamit
Kay Cristong sa krus nagsakit
Kamatayan N'ya'y kapalit
Ng handog N'yang pag-ibig.

Koro

Kapayapaan,
Na kaloob ng langit
Kapayapaang matamis,
Kaloob ng pag-ibig.

III

Pag naputungan si Jesus
Kapayapaan ko'y lubos
Pagpapalang ibubuhos,
Kapayapaan ng Diyos.

Koro

Kapayapaan,
Na kaloob ng langit
Kapayapaang matamis,
Kaloob ng pag-ibig.

IV

Kay Jesus ako'y tatahan
Kapayapaa'y nang kamtan
Wala na ngang
Kailangan kundi kapayapaan.

Koro

Kapayapaan,
Na kaloob ng langit
Kapayapaang matamis,
Kaloob ng pag-ibig.