I
May panig na madilim ang buhay,
Nguni't may maliwanag naman,
Sa dilim tayo ay matungo man,
Sa liwanag tayo tumanaw.
Koro
Tayo ay tumanaw sa naliliwanagan
Sa panig ng nating buhay,
At upang magkailaw ang ating daraanan,
Tayo nga'y sa liwanag lumagay.
II
Malupit man ang bagyong dumating,
At ang pag-asa mo'y sirain,
Ang ulap at sigwa'y lilipas din,
Araw ay muling magnining-ning.
Koro
Tayo ay tumanaw sa naliliwanagan
Sa panig ng nating buhay,
At upang magkailaw ang ating daraanan,
Tayo nga'y sa liwanag lumagay.
III
Tayo nga'y magsaya araw-araw,
Madilim o maliwanag man,
At kay Jesus na umaalalay,
Manangan tayong buong tibay.
Koro
Tayo ay tumanaw sa naliliwanagan
Sa panig ng nating buhay,
At upang magkailaw ang ating daraanan,
Tayo nga'y sa liwanag lumagay.