310

Pangalang Jesus Ingatan

0:000:00
100%

I

Pangalang Jesus ingatan
Anak ng kalumbayan,
Upang ang tuwa ay kamtan,
Taglayin mo saanman.

Koro

Pangalang marangal, Pangalang marangal,
Matamis at dalisay!
Pag-asa ng tanan,
Pag-asa ng tanan, ng tanan,
Tuwa ng sangkalangitan!

II

Pangalang Jesus ibigin,
Kalasag sa patalim;
Pag ang tukso'y tumitiim,
Bigkasin sa dalangin!

Koro

Pangalang marangal, Pangalang marangal,
Matamis at dalisay!
Pag-asa ng tanan,
Pag-asa ng tanan, ng tanan,
Tuwa ng sangkalangitan!

III

Pangalang Jesus mahalin,
Galak nating purihin;
Sa pagtanggap N'ya sa atin,
Pagpupuri'y awitin!

Koro

Pangalang marangal, Pangalang marangal,
Matamis at dalisay!
Pag-asa ng tanan,
Pag-asa ng tanan, ng tanan,
Tuwa ng sangkalangitan!

IV

Sa ngalang Jesus lumuhod,
At sa Kanya'y pakupkop,
Puputungang Haring lubos,
Sa langit ng tinubos!

Koro

Pangalang marangal, Pangalang marangal,
Matamis at dalisay!
Pag-asa ng tanan,
Pag-asa ng tanan, ng tanan,
Tuwa ng sangkalangitan!