I
Ang oras ng panalangin
Ay matamis nga sa akin;
Tinatawag akong tambing
Sa Ama kong maawain!
Sa panahong natutukso
Sa mga daya ng lilo,
Tumawag at pasaklolo
Sa kamay ni Jesu-Kristo!
II
Sa oras ng panalangin,
Ako ay Kanyang diringgin;
At kung Siya'y hihintayin,
Ako ay pagpapalain.
Katiwasayang tahimik
Kay Jesus na ipapalit,
Salinggatong at hinagpis
Sa aki'y gumigiyagis.
III
Oh! oras ng panalangin,
Ako ay iyong aliwin,
Hanggang sa Pisga'y mamasdan
Ang inihandang tahanan.
Sa pagtawag N'ya sa akin
Upang Siya'y salubungin,
Akin namang aawitin
Ngalan Niyang masintahin.