342

Ang Panginoon Ay Aking Ilaw

0:000:00
100%

I

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Pakikisama N'ya'y gabi't araw;
Sa lungkot at sa sala S'ya'y kaligtasan;
Ano nga ang aking katatakutan?

Koro

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

II

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Mga alapaap lumambong man,
Sa langit ako lagi nang tatanaw,
Na do'n naghahari S'yang walang hanggan.

Koro

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

III

Ang Panginoon lakas ko't ilaw,
Sa Kanya ako'y magtatagumpay;
Kahinaan ko'y Kanyang tinatakpan,
At sa paglakad inaalalayan.

Koro

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

IV

Ang Panginoon ay aking ilaw,
S'ya ang lahat-lahat sa 'king buhay,
Sa Kanya ay wala ngang kadiliman;
S'ya ang Manunubos ko't Haring tunay.

Koro

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.