I
Ako'y pinangungunahan,
Ni Jesus ko sa daan;
Wala akong alinlangan,
Sa habag n'ya't patnubay;
Masarap ang kabuhayan,
Nang sa Kanya'y manahan.
Pagka't bawa't karanasa'y,
Pawang ikatitibay.
Pagka't bawa't karanasa'y,
Pawang ikatitibay.
II
Ako'y Kanyang inaakay,
Inaaliw sa daan,
Sa pagsubok binibigyan,
Ng tinapay ng buhay.
Na talagang kailangan,
Nang h'wag akong magkulang;
At tuwina'y makaasang,
S'ya'y aking kagalakan.
At tuwina'y maka-asang,
S'ya'y aking kagalakan.
III
Ako'y pinapatnubayan,
Ng pag-ibig n'yang sakdal;
Sadyang pinangangakuan,
Sa langit ng tahanan;
Pag ako ay nabihisan,
Ng walang hanggang buhay;
Aawiting walang hanggan,
Si Jesus ang umakay.
Aawiting walang hanggan,
Si Jesus ang umakay.