I
Muog kang mataas na kanlungan ko,
Sa pakikilaban at kalumbayan;
Pagod ma't salarin ay sa-sa Iyo,
Mapalad na batong aking kanlungan.
Koro
Ikaw ang aking kanlungan,
Mapalad na batong aking taguan!
II
Sa panahong ang tukso'y nagpipilit,
At sa panahon ng kapighatian,
Sa panahong ang dapat ay ligalig,
Mapalad Kang batong aking kanlungan.
Koro
Ikaw ang aking kanlungan,
Mapalad na batong aking taguan!
III
Madalas na kung ako'y nagigipit,
At kung ang pagsubok di na matiis,
Ng kaaway ko sa pakikilaban,
Takbo ko'y sa batong aking kanlungan.
Koro
Ikaw ang aking kanlungan,
Mapalad na batong aking taguan!