I
Si Jesus ang bato nating
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Kahit ano'y dadaigin
Sadyang kanlungan sa bagyo.
Koro
Lilim ka sa kainitan
Ng naglalakbay na tao
Muog kang napakatibay
Sadyang kanlungan sa bagyo.
II
Saklolo ko gabi't araw,
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Walang takot sa anuman
Sadyang kanlungan sa bagyo.
Koro
Lilim ka sa kainitan
Ng naglalakbay na tao
Muog kang napakatibay
Sadyang kanlungan sa bagyo.
III
Dagsaan man ng bagabag
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Sa Diyos ako'y mapanatag
Sadyang kanlungan sa bagyo.
Koro
Lilim ka sa kainitan
Ng naglalakbay na tao
Muog kang napakatibay
Sadyang kanlungan sa bagyo.
IV
Banal na Batong taguan
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Kami tuwina'y akbayan
Sadyang kanlungan sa bagyo.
Koro
Lilim ka sa kainitan
Ng naglalakbay na tao
Muog kang napakatibay
Sadyang kanlungan sa bagyo.