I
Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak
Ako'y lalagay kung may bagabag,
Siya ang sa akin ay magliligtas,
Maglalayo sa dalita't hirap.
Koro
Sa lilim ng Kanyang pakpak
Ligtas ako't panatag.
Ang puso N'yang puspos ng habag
Sa aki'y mag-iingat.
II
Nasa lilim ng Kanyang mga pakpak
Ang sa lumbay mabisang panlunas,
Kung sa akin ay wala nang lilingap
Doon ako'y magtatamong habag.
Koro
Sa lilim ng Kanyang pakpak
Ligtas ako't panatag.
Ang puso N'yang puspos ng habag
Sa aki'y mag-iingat.
III
Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak
Ay mangungubli ako sa hirap,
Kung ako'y naroroon ako'y ligtas
Sa hilahil na anong sasaklap!
Koro
Sa lilim ng Kanyang pakpak
Ligtas ako't panatag.
Ang puso N'yang puspos ng habag
Sa aki'y mag-iingat.