372

Ang Aking Tagapagligtas Maagang Hahanapin

0:000:00
100%

I

Ang aking Tagapagligtas
Maagang hahanapin;
Sa Kanya ay mag-aaral,
Hakbang N'ya'y babakasin.

Koro

Pagka't ako'y iniibig,
Iniibig ni Jesus.
Namatay S'ya nang maligtas,
Kaya't mahal kong lubos.

II

Di ako napakabata
Saanman N'ya atasan,
At upang aking malaman
Ang Kanyang kalooban.

Koro

Pagka't ako'y iniibig,
Iniibig ni Jesus.
Namatay S'ya nang maligtas,
Kaya't mahal kong lubos.

III

Siya ay nasa pintuan
Ng pagtakas sa sala,
Ako ay papasukin,
Ito ay pangako N'ya.

Koro

Pagka't ako'y iniibig,
Iniibig ni Jesus.
Namatay S'ya nang maligtas,
Kaya't mahal kong lubos.