I
Pastor Kang aming patnugot,
Pag-iingat Mo'y lubos,
Ikaw nga ang nagdudulot,
Ng tahanang malugod;
Mapagpala naming Jesus,
Na sa tana'y tumubos;
Mapagpala naming Jesus,
Na sa tana'y tumubos.
II
Kami ngayo'y alagaan,
Sa pagka't Iyong tunay;
Kaya't sa tunay na daan,
Itungo kung maligaw;
Mapagpala naming Jesus,
Dinggin ang aming luhog;
Mapagpala naming Jesus,
Dinggin ang aming luhog.
III
Pangako Mo'y tatanggap Ka,
Sa 'ming mga may sala;
Ililigtas Mo tuwina,
Kami'y ipag-aadya;
Mapagpala naming Jesus,
Lingapin ang may lunos;
Mapagpala naming Jesus,
Lingapin ang may lunos.