380

May Tahanang Walang Maliw

0:000:00
100%

I

May tahanang walang maliw,
Walang lungkot o panimdim;
Sino nga kaya sa atin
Ang di ibig makarating?

Koro

Hintay, maghintay mang mataman,
Hintay, h'wag kang mag-alinlangan,
Huwag, huwag, huwag kainipan!

II

Kung di ka na makatiis
Sa hirap na susunsuson,
Mata'y ititig sa langit,
Ang mithing ligaya'y naro'n.

Koro

Hintay, maghintay mang mataman,
Hintay, h'wag kang mag-alinlangan,
Huwag, huwag, huwag kainipan!

III

Kung ikaw ay makatagpo
Ng tinikman o ligamgam,
Tibayan ang iyong puso
Si Cristo'y siyang tularan.

Koro

Hintay, maghintay mang mataman,
Hintay, h'wag kang mag-alinlangan,
Huwag, huwag, huwag kainipan!

IV

Lakad at h'wag kaligtaan
Ang umasa't manalangin;
Oo, sisikat ang araw
Magtatamo ka ring aliw.

Koro

Hintay, maghintay mang mataman,
Hintay, h'wag kang mag-alinlangan,
Huwag, huwag, huwag kainipan!