I
O Diyos ko, ako'y akbayan,
Gaya ni Enoc no'ng araw;
Kamay kong mahina'y tabnan,
At 'wag Mo pong pabayaan;
Bagaman daa'y di tanaw,
Umaasa sa tagumpay.
II
Di ko kaya ang mag-isa,
Sa mapanganib na sigwa,
Mga patibong sa paa,
Sa dadaana'y balana;
Ang sa kaaway na pita,
Ako sa Iyo'y makuha.
III
Sa Iyo lang umaasa,
Kung kasama ka'y ligtas na,
Kaya't patuloy nag pita,
Na sa Iyo'y makisama,
Hanggang sa aking makita,
Ang mukha ng Diyos na Ama.