388

Kalooban Mo'y Siyang Sundin

0:000:00
100%

I

Kalooban Mo'y siyang sundin!
Ako ay putik, 'Yong hugisin,
Sa kalooban Mo huwarin,
Ako'y lubusan Mong sakupin.

II

Kalooban Mo'y siyang sundin!
Ako'y subuki't siyasatin!
Hugasan ako't paputiin,
Ngayon, O Jesus, ay tanggapin.

III

Kalooban Mo'y siyang sundin!
Ako'y tulungan, aking daing!
Kapangyarihan Mo'y gamitin!
Hipuin ako't pagalingin!

IV

Kalooban Mo'y siyang sundin!
Katauhan ko'y 'Yong angkinin!
Sa Espiritu Mo'y puspusin,
Nang si Cristo'y makita sa 'kin!