I
H'wag Mo po akong limutin, Jesus kong giliw;
Kaluluwa ko'y aliwin Lungoy ko'y dinggin.
Koro
Cristo! Cristo! Ako'y pakinggan
Kung iba'y tinatawagan, H'wag akong iwan.
II
Sa maligaya Mong langit, Ako'y ipanhik,
Pawang hirap madlang sakit Ang tinitiis!
Koro
Cristo! Cristo! Ako'y pakinggan
Kung iba'y tinatawagan, H'wag akong iwan.
III
Ikaw ang inaasahan At aking ilaw,
Kaluluwa ko'y hawakan, H'wag pabayaan!
Koro
Cristo! Cristo! Ako'y pakinggan
Kung iba'y tinatawagan, H'wag akong iwan.
IV
Batis Ka't aking ligaya Na walang hangga,
Sa lupa'y aking ginhawa Hanggang langit pa!
Koro
Cristo! Cristo! Ako'y pakinggan
Kung iba'y tinatawagan, H'wag akong iwan.