I
Hindi ako, kundi si Kristo lamang,
Ang dapat na ibigi't itanghal;
Dapat Siyang makita't mapakinggan
Sa salita, gawa at isipan.
II
Hindi ako, kundi si Kristong hirang,
Ang saluha't lungkot ay paparam;
Siya ang sasagip, magpapagaan,
At magtataboy sa katakutan.
III
Walang salitang walang kabuluhan,
Walang gulo na di kailangan;
Wala ring "Ako" na masusumpungan,
Kundi si Kristo't si Kristo lamang.
IV
Hindi ako, kundi si Kristo lamang,
Tumutustos sa bawa't kailangan;
Siya lang ang lakas ko't kalusugan;
Si Kristo lang, dito't kailanman.