I
Tayo ay pinag-atasang
Mag-ayos at tumingin
Sa Diyos na maraming ilaw
Upang h'wag mangulimlim.
Koro
Pagningasin ang ilawan
Sa dilim ay itanglaw.
Doon ay may naliligaw,
Iligtas na agapan.
II
Sa lupa ay nakalatag,
Dilim ng kasalanan.
Marami ang humahanap
Sa liwanag ng ilaw.
Koro
Pagningasin ang ilawan
Sa dilim ay itanglaw.
Doon ay may naliligaw,
Iligtas na agapan.
III
Pagbutihin ang ilawan
Pagka't may nangabagbag.
Kung di sila tatanglawan,
Malulunod na lahat.
Koro
Pagningasin ang ilawan
Sa dilim ay itanglaw.
Doon ay may naliligaw,
Iligtas na agapan.