I
Kung ang munti kong salita
Ay magpapalitagay,
Kung ang munti kong pag-awit
Ay magpapaginhawa,
Koro
O Diyos ko, ako't tulungan
Na makapagsalita
Ng matamis na katagang
Nagdudulot ng tuwa.
II
Kung ang aba kong pag-ibig
Buhay patatamisin,
Kung ang aba kong pagtingin
Kaibiga'y aaliwin,
Koro
O Diyos ko, ako't tulungan
Na makapagsalita
Ng matamis na katagang
Nagdudulot ng tuwa.
III
Kung ang kauntin kong pagtuwang
Makapagpapagaan,
Pag-ibig at kalakasan,
Diyos ko, ako'y gawaran.
Koro
O Diyos ko, ako't tulungan
Na makapagsalita
Ng matamis na katagang
Nagdudulot ng tuwa.