408

Ama, sa Iyo ay Ilapit

0:000:00
100%

I

Ama, sa Iyo ay ilapit,
Ako'y nasasabik;
Yakapin ako nang mahigpit,
Upang matahimik.

Koro

Ako'y Iyong ilapit,
D'yan sa Iyo sa langit;
Ilapit mo ako sa Iyo.

II

Ama, sa Iyo ay ilapit,
At h'wag Mong tulutan,
Na ako ay maglagalag pa't
Ikaw'y aking iwan.

Koro

Ako'y Iyong ilapit,
D'yan sa Iyo sa langit;
Ilapit mo ako sa Iyo.

III

Ako'y buhayi't pakinisin
At hugasang tunay,
Hanggang ako'y maging tulad Mong
Malinis, dalisay.

Koro

Ako'y Iyong ilapit,
D'yan sa Iyo sa langit;
Ilapit mo ako sa Iyo.