I
Tagapagmana, bakit nahihimbing?
Pinagpalang bahay ay tanawin;
Baluti'y isuot at magtumulin.
Baka tahanan mo'y di sapitin.
II
Tagapagmana, bakit tumigil
Sa pagtakbo mo tungo sa langit;
Magtapat ka Jesus ay darating na.
Magmadaling salubungin Siya.
III
Mga bansa'y gulo't nag-aaway,
Bakla, takot, at nanlulupaypay.
Dinggin ang ugong at di magkamayaw.
Kaya't magdagling mana'y agapan.
IV
Huwag mag-abala sa lupang alay.
Pagka't iya'y pawang pumapanaw;
Ang kaharian ang nasaing kamtan.
At ang layaw dito ay talikdan.
V
Ulo'y itaas, sa langit tumingin,
Masdan ang maluwalhating ningning.
Ng liwanag ng Haring dumarating.
Tagapagmana, 'yong salubungin.