418

Nangako Siya sa Mga Tapat

0:000:00
100%

I

Nangako Siya sa mga tapat,
Ang sabi'y "Ako ay babalik agad,
Kaya't maghintay kayo't magpuyat
Manatiling tapat hanggang sa wakas."

Koro

"Tibayan hanggang Ako'y dumating,
Bayang nauli'y inyong tanggapin.
Putong na tala roo'y kakamtin,
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin."

II

Kaya't magpuyat sa pagdalangin,
Ilawan ninyo ay papagningasin,
Ang pagparito Niya'y di lihim
Lamang ang araw ay di alam natin.

Koro

"Tibayan hanggang Ako'y dumating,
Bayang nauli'y inyong tanggapin.
Putong na tala roo'y kakamtin,
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin."

III

Ito ang ating tanging pag-asa
Sa mga Kasulata'y nababasa,
Ang ating puso ay sumisigla
Kung maalaalang darating Siya.

Koro

"Tibayan hanggang Ako'y dumating,
Bayang nauli'y inyong tanggapin.
Putong na tala roo'y kakamtin,
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin."