I
Ang mga tanda'y nagsasabing malapit
Ang sa Pangino'n na sa lupa'y pagbalik;
Pangako na dapat ikagalak, nguni't
Oras ay dibatid.
Koro
Darating! Humanda't magpuyat ka; Darating
Darating, aleluya! Aleluya! Darating
Siya ay darating sa alapaap nguni't
Oras ay dibatid.
II
Ang kaligtasan na kaloob ng langit,
Sa aklat ng Diyos madaling masaliksik,
Ang kawakasan ay malapit na, nguni't
Oras ay dibatid.
Koro
Darating! Humanda't magpuyat ka; Darating
Darating, aleluya! Aleluya! Darating
Siya ay darating sa alapaap nguni't
Oras ay dibatid.
III
Sa pagpupuyat tayo nga ay magtiis,
At sa pag-gawa ng lahat ay magsakit,
Ang pagdating N'ya ay malapit na, nguni't
Oras ay dibatid.
Koro
Darating! Humanda't magpuyat ka; Darating
Darating, aleluya! Aleluya! Darating
Siya ay darating sa alapaap nguni't
Oras ay dibatid.