I
Tinig ko ay may pagpanaw,
Di muling mapapakinggan,
Kundi pagbangon sa hukay
Pagpuri sa Haring mahal.
Koro
Makikita ko ang mukha
Ni Jesus na nagdalita;
Magpuri nang buong tuwa
Ang niligtas ng biyaya.
II
Balang araw ay lalagpak
Tahanan kong dito'y ingat,
Nguni't di alam ang oras
Kaya't ihanda ang lahat.
Koro
Makikita ko ang mukha
Ni Jesus na nagdalita;
Magpuri nang buong tuwa
Ang niligtas ng biyaya.
III
Sa kapanahunan ngayon
Magpuyat sa nagsalubong
Ilaw at langis na baon
Ingata't nang makatuloy.
Koro
Makikita ko ang mukha
Ni Jesus na nagdalita;
Magpuri nang buong tuwa
Ang niligtas ng biyaya.