430

Tayo Ngayo'y Nabubuhay

0:000:00
100%

I

Tayo ngayo'y nabubuhay
Sa panahong maselang.
Kaya nga ang kailangan
Mag-ingat araw-araw,
Masda't palagi na lamang
Ang mga kaguluhan.
At itong buong nilalang
Lagi sa panambitan.

II

Upang kayo'y makatagal
Sa masamang araw.
Ang baluti ng katwiran
Isakbat nang b'ong tibay,
Ibigkis sa inyong baywang
Mga katotohanan.
Sa paa'y kapayapaan
At ang tabak sa kamay.

III

Ang hukbo ng kasamaan,
Mahigpit na kaaway,
Ay nangagpipisan-pisan
Sa malaking digmaan,
Ang kanilang kalakasan
Tinitipong mainam;
Kaya nga't sa tunggalian
Ikaw nama'y lumaan.

IV

Manindigan ka Krist'yano,
Sundin ang Kapitan mo;
Hanggang Kanyang ipahayag
Mabuti kang lingkod N'ya.
S'ya lamang na magtatapat
Naghihintay ng wakas;
Ang tatanggap ng Pangako
Buhay na walang hanggan.