432

Manindigan Kay Jesus!

0:000:00
100%

I

Manindig kay Jesus! Kayong kawal ng krus;
Watawat N'ya'y itaas, Di dapat makilos;
Sa mga pagwawagi, S'ya'y mamamatnugot,
Hanggang bawa't kaaway. Ganap na masakop.

II

Manindig kay Jesus! Kayo'y tumalima;
Humayo't magsisulong. Sa pakikibaka;
Kayong mga lalaki'y. Maglingkod sa Kanya,
Sa panganib ay tapang, Lakas ang sandata.

III

Manindig kay Jesus! Lakas N'ya ang tabnan;
Di dapat magtiwala. Sa'yong kalakasan.
Ebanghelyong baluti'y. Isakbat, lumaan,
Saan ka man tawagin, Doo'y h'wag magkulang.

IV

Manindig kay Jesus! Di malalaunan.
Ang labana'y hahantong. Sa pagtatagumpay.
Doon sa magwawagi. Ay putong ng buhay;
Sila ng Haring Jesus Maghaharing tunay.