44

Ang Panginoon Ko'y May Damit

0:000:00
100%

I

Ang Panginoon ko'y may damit,
Mabango, marikit!
Ang samyo'y nasok sa 'king dibdib,
At di na maalis!

Koro

Iniwan ang palasyong garing.
Sa lupa'y nanaog,
Pag-ibig Niya sa akin...
Ang siyang nag-udyok.

II

Ang buhay Niya'y nababalot,
Ng luha't himutok,
Kung magunita ang Kanyang krus,
Luha ko'y nanagos!

Koro

Iniwan ang palasyong garing.
Sa lupa'y nanaog,
Pag-ibig Niya sa akin...
Ang siyang nag-udyok.

III

Sa Damit Niya, ang humawak,
Gumagaling agad!
Kung ako sa sala'y madulas,
Hinahangong kagyat!

Koro

Iniwan ang palasyong garing.
Sa lupa'y nanaog,
Pag-ibig Niya sa akin...
Ang siyang nag-udyok.

IV

S'ya'y darating na nararamtan,
Ng kal'walhatian.
At doon sa Kanyang tahanan,
Ako'y ipipisan.

Koro

Iniwan ang palasyong garing.
Sa lupa'y nanaog,
Pag-ibig Niya sa akin...
Ang siyang nag-udyok.