I
Ako ay nariwara sa pagkakasala
Hanggang sa pinanawan ako ng pag-asa
Datapwa't ang hibik ng aking kaluluwa'y
Dininig ng Diyos at ako'y ligtas na!
Koro
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!
Ang nagligtas sa 'kin ay pag-ibig!
Ay pag-ibig!
II
Ang puso ko at diwa'y aking inia-alay
Sa paanan ni Jesus habang ako'y buhay
Aawit-awitin ko ang Kanyang pangalan
At ang pag-ibig Niyang walang hanggan.
Koro
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!
Ang nagligtas sa 'kin ay pag-ibig!
Ay pag-ibig!
III
Oh kaluluwang waglit at mapapahamak
Kay Kristo ka lumapit nang ikaw'y maligtas
Ang ating Panginoo'y walang laging hangad
Kundi ang malayo ka sa bagabag.
Koro
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!
Ang nagligtas sa 'kin ay pag-ibig!
Ay pag-ibig!