440

Huwag Kang Padaig sa mga Tukso

0:000:00
100%

I

Huwag kang padaig sa mga tukso
Maging uliran ka sa ibang tao;
Ang pakikilaban ay tapangan mo,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

Koro

Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw
Papatnugutan ka at pananagumpayin!

II

Sa mga masama'y h'wag kang mabuyo,
At ang ngalan ng Diyos ay igalang mo,
Maging masikap ka't h'wag mabalino,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

Koro

Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw
Papatnugutan ka at pananagumpayin!

III

Ang mananagumpay ay magtatamo
Ng koronang hindi na maaano;
Sa Diyos tumawag ka at pasaklolo,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

Koro

Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw
Papatnugutan ka at pananagumpayin!