I
Awitin ang pag-ibig ni Jesus,
Ang habag at biyaya N'ya;
Sa paraisong tahanan
Siya nating titirhan.
Koro
Pagdating na sa langit
O anong araw ng pagdiriwang
Sa harap ni Jesus aawitin ang tagumpay.
II
Samantalang naglalakbay,
Pagsubok ay kaagapay;
Ngunit kung makauwina,
Doo'y pawang ligaya.
Koro
Pagdating na sa langit
O anong araw ng pagdiriwang
Sa harap ni Jesus aawitin ang tagumpay.
III
Tayo'y magtapat sa Kanya,
Maglingkod araw-araw;
Makikita ng mukhaan,
Ang nagligtas sa sala.
Koro
Pagdating na sa langit
O anong araw ng pagdiriwang
Sa harap ni Jesus aawitin ang tagumpay.
IV
Lakad patungo sa langit,
Kat'wiran N'ya'y ibihis;
Papasok tayo sa gloria,
Tatahang kasama N'ya.
Koro
Pagdating na sa langit
O anong araw ng pagdiriwang
Sa harap ni Jesus aawitin ang tagumpay.