48

Sa Harapan ng Luklukan

0:000:00
100%

I

Sa harapan ng luklukan,
Ni Jehobang Manlalalang,
Magsiyukod, mga bayan,
Siya ay Diyos, Siya lamang.

II

Sa kanyang kapangyarihan,
Putik tayong inanyuan;
Nang sa daan ay maligaw,
Ibinalik N'ya sa kawan.

III

Ang pintuan doon sa langit,
Lilipusin ng pag-awit;
Itong lupa na nawaglit,
Magpupuring may pag-ibig.

IV

Kasinlawak nitong mundo,
Utos ng Diyos na totoo;
Sintibay ng isang bato,
Katotohanan ni Kristo.